Kahapon, nakipaglaro ako sa mga pinsan ko. Yung mga bata ha, kasi yung mga tumatandang mga pinsan ko wala nang ibang pinag-usapan kundi Jonas brothers at Twilight. Iniwan ko sila sa harap ng PC, dahil nanonood ata sila ng music videos ni Rihanna. Hay. Malamang lalabas na ko nun.
Ice-water yung unang laro. Lagi nalang akong nagvovolunteer maging taya, kasi puro bata sila tapos akala nila masama maging taya. Di kayaaaa. Saya nga e, takot sa yo lahat ng kalaro mo. Pwede ka pang mag-evil laugh kasi bagay.
Hindi ko na pinansin na kailangan ko silang hawakan. Madalas pa. Teka, bakit ko nga ba ginawa yun? Masaya naman kasing sumigaw at tumawa at tumakbo, tapos di pa ganun kainit nung hapon. O baka di ko lang napansin kasi para akong supplier ng yelo nun. Haha. Pwede ring dahilan yung nangyari nung Sabado, kaso hindi yun kasali sa kwentong ito. XP
Saglit lang yung ice-water. Di kasi maintindihan ng kapatid ko (si Neia, 6 yirs old) yung rules. Hirap naman kaming ipaliwanag. E di langit-lupa naman. Habulan pa rin. Bale dalawa lang kaming madalas maging taya - si Justin (6 yirs old din siya) yung isa. Kamukha daw niya yung anak ni Ely Buendia sabi ni
Issa, pero sabi ni Mama kamukha niya si John Lloyd. E kras ni Mama si John Lloyd. Wag na kayong mag-isip. Tama na yun.
Langit-lupa na. Dalawa yung langit - magkabilang-dulo, akalain mo yun. Si Neia, may strategy: di siya aalis sa pwesto niya tapos kakapit siya sa katabi niya. Madalas, si Tere yun (7 o 8 yirs ata), o kaya ako (19, baka magtaka pa kayo). E ang daya; dun lang siya. Naasar si Justin. Ginawa namin, 10 seconds lang sila pwede sa langit tapos pwede nang tayain. Naks, yung heaven may time limit. Haha.
Sa wakas, tumakbo din si Neia. Pero ayaw ni Papa kasi daw baka umiyak na naman kapag sumakit yung paa. Hinayaan nalang namin siyang i-hug si Tere dun sa isang langit habang nagtatayaan kami ni Justin at Jaime (8?). Ayaw sumali nung iba naming pinsan. Ewan ko ba. Mga nagmamadaling tumanda. Boo. Masaya lang ata maging matanda kasi pwedeng bumalik sa pagkabata, kahit awkward tingnan.
Ngayon, di ako makapaglakad nang maayos. Hahaha. Pero mas pipiliin ko naman yung kahapon kaysa dito no. Tsss. Korporet.
Ay, hapinooear!